READ MY STORIES ON WATTPAD

Tuesday, September 25, 2012

i remember the boy (but i don't remember the feelings anymore)

Note: cross-posted from my Multiply, written last June 24, 2009

dahil sa lintik na memorabilia ng aming sintang paaralan--PUP, nakita ko ang napaka-pamilyar na mukha ng lalaking minsan kong hinangaan. it was two years ago since i graduated from college, at lahat ng mga lalaking nagpakilig sa akin noon ay binaon ko na sa limot (me ganun?!)

baket nagbabalik na naman ang mga alaalang ito? there was this particular guy whom i admit i had the biggest crush ever! as in ever. he was a year older than me, i was in my 3rd year in college and he's in fourth year ( we have the same course by the way), so nagulat ako nung batchmate ko pala siya nung 2007. napagiwanan siya ng mga kaklase niya na naunang grumaduate sa kanya nung 2006. anyway, baket nga nagbabalik ang nilalang na ito? ewan ko ba sa mga kaibigan ko kung baket nila binabalik ang nakaraan, like duh? wala na akong gusto sa kanya! as in wala na. oo minsan ay naging parte siya ng aking di masyadong makulay na college life in terms sa lovelife pero matagal na akong tapos sa kanya (me ganun?! as if naman nagkaroon kame ng relasyon?) ahaha. at sa tagal na ng panahon ngayon ko lang nalaman ang birthday niya at complete address. hahaha, kung nagkataon na deads parin ako sa rakistang ito hahaha, malamang nagdidiwang na ako ngaun. at ito namang magaling kong mga friendships eh updated sa pag-ibig fund ng chuvalyen tienes na ito(with matching place and address ng opisina ni TJ Han kahawig daw siya ni Jo Hyun Jae sa only you korean) --si donna ay nagwo-work sa pag-ibig. at tawa naman ako ng tawa kahapon sa loob ng mercury drug ng ma-received ko ang text ni red at sinabi pa kung magkano ang payslip ng kumag sa isang cut-off last june 14 raw take note with complete name yan ha! hahaha.

ang masasabi ko lang, minahal ko siya noon maglaway siya ngaun. bwahahaha. pumatol
kasi siya sa babaitang may bangaw sa mukha ( hindi ako bitter niyan!)

ika nga ni red: ang nakaraan ay masarap na lang balikan at PAGTAWANAN.

yes... at katulad ng linya sa kantang inawit ni lea salonga, i remeber the boy (the rakista boy) but i dont remeber the feelings anymore. (me ganun?!)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...