READ MY STORIES ON WATTPAD

Tuesday, October 30, 2012

1st PHR Novel : Tatta Hitotsu No Koi (My One And Only Love)

yay! finally after 48 years my very first novel from Precious Hearts Romances is finally out! I didn't really expect na 3 months after siya ma-approve saka siya lalabas akala ko next year pa. Kaya I'm soooo happy!!! Kinikilig ako sobra.

Tatta Hitotsu no Koi (My One & Only Love) → ayon sa aking friend eh, ang literal translation ay "Just One Love".

"I've always thought that someday
you're going to be mine."
here's the teaser :

Erika was a frustrated romance writer. Lahat ng manuscripts niya ay pawang mga reject! Dumagdag pa sa mga isipin niya ang pagkakatuklas niya sa pangangaliwa ng kanyang nobyo. Dahil doon ay hindi gumagana ang muses niya at hindi siya makapagsulat. Aba! Hindi dapat nangyayari iyon sa kanya! Paano na ang pangarap niyang maging isang prolific writer?
So, to aid her dilemmas, nagdesisyon siyang magbakasyon sa kanilang probinsiya para makalimutan ang heartache niya at makapagsulat uli ng bagong nobela. Ngunit hindi niya inaasahan ang nadatnan niya roon. Walang iba kundi si Shinji Serizawa—ang half Japanese-half Filipino vocalist ng sikat na rock band na Vampyres. They used to be the best of friends pero dahil sa pagtatapat nito ng damdamin sa kanya seven years ago, nailang na siya rito, dahilan para iwasan at layuan niya ito.
Yes, he was the same thoughtful friend she had ngunit napapansin niya na tila nag-iiba na ang tingin niya rito mula nang muli silang magkasama. Hindi na rin isang kapatid ang tingin niya rito, katulad ng pagtingin niya rito noon. Hindi kaya nagkakaroon na siya ng malisya rito? At mukhang siya na ngayon ang nagkakagusto rito. Pero ang sabi nito, kalimutan na niya ang ipinagtapat nito sa kanya noon. Hala! Paano na ang puso niya?


Grab a copy and happy reading! ^_^
Note: natatawa na natutuwa ako sa napiling cover. Eh, si Lee Joon Gi ba naman ang gamitin eh. / LOL

Saturday, October 06, 2012

I want to have an Angel's wings.

one of my biggest frustrations in life is to be one of the Victoria's Secret Angels for one day.

I would love to wear an Angel's wings. That would be awesome :D



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...