READ MY STORIES ON WATTPAD

Tuesday, June 18, 2013

An Epic Happy 30th Neen Day Celebration!

It was Nino’s birthday yesterday and as a fan of Arashi, it’s been a tradition for us to celebrate each member’s birthdays. And yesterday we did our #Happy30thNeenDay celebration at SM Megamall. The original plan was to have a burger date with three of my friends. Two of whom are Nino wifeys and one, a Sho wifey and of course I am a Jun wifey. But when we got there we found out that there’s no Brother’s Burger nor Wham *sinungaling ang google! Sabi may Brother’s Burger at Wham sa Megamall!* so we end up having dinner and celebrating at Bubble Tea (a Japanese restaurant). Instead of burger, I got myself a Katsudon, which is my favorite dish in Bubble Tea *yum* and a large Royal Milk Tea, I always want my milk tea as it is. No other flavors just the simple milk tea.

Anyways, we dine and we chit-chat. We talked about a lot of things, silly things and of course Arashi & Nino-related stuffs. Suffice it to say, I enjoyed the night with my girlfriends.

We called it a night at 9PM when we got out of the mall; I was overwhelmed with the long line in the terminal bound to Marikina *gasps!*. It rained heavy in the afternoon and I didn’t expect that many people will get stranded because I thought it was just rain. Not bagyo. Not storm. Not Arashi.

*mag-tagalog na tayo* hihi!

So, dahil hindi ako mapakali at medyo tanga na hindi alam kung paano makakasakay pauwi, naglakad ako papunta sa Edsa and was upset to found so many people in the street waiting for a bus or a cab or anything na masasakyan. In fairness to me, hindi pa ako masyadong inis sa lagay na yan, ang ganda ng araw ko eh, tapos I just had a fun night with my friends. Malay ko ba naman na ganun talaga kahirap umuwi? Okay, medyo expected na rin pero siyempre, I took a risk. Ako nagyaya sa mga kaibigan ko sa burger date, so bakit hindi ako pupunta? And this is Neens’ 30th birthday! Hello?! Naisip ko, mahihirapan din ako makasakay ng cab or bus sa Edsa dahil mas maraming tao roon at punong-puno talaga ang mga bus. Sa kasamaang palad, bumalik ako ulet dun sa may terminal ng mga biyaheng Marikina. Pumila ako, pero saglit lang, kasi I’m sure mas lalo akong hindi makakauwi nito kung maghihintay ako run sa pila! My gosh! Ang daming tao kaya at umuulan pa. I was roaming around the street looking for a cab, may nakita naman ako, ayaw naman bumiyahe ng mga manong dahil baha daw sa c-5! At traffic pa. So, how the fuck can I get home??? Buti sana kung walang pasok kinabukasan. Pero meron, meron, meron. May nakasalubong akong ale, naghahanap rin cab na masasakyan. I asked her kung taga-saan siya, “Sa Marikina,” din daw! I smiled. Naisip ko kasi, puwede kaming magsabay. Ako kasi, dahil marami akong pera, LOL, kasehodang kahit magkano `yan makauwi lang ako sa amin o kahit hanggang sa Marikina lang. Kahit sa Marikina lang, OK na, eh. Basta makarating lang ako ng Marikina, wala nang problema.

So, ayun nga, nagkasundo kami ng ale na magsabay na lang sa cab at mangontrata. OK, naghanap kami ng cab, puro ayaw! Mga maaarte! >.< pero yung huling nilapitan namen, mabait siya. Ang bait ni manong. God bless him! Hay, salamat talaga Papa God! Pumayag siya na ihatid kami sa Marikina *wide smile*. OK nga lang sa kanya na tig-pi-fifty kami, pero lugi rin naman si manong dun, so sabi namen, Php100 na lang ang bayad namen bawat isa. Pumayag si manong! Halleluja!!! May nakasabay pa kaming 2 girls at yung kapatid nung ale na nakausap ko sa kalsada. Pagkatapos nun, sumakay na kami at lumarga na pa-Marikina. Hindi naman ganun ka-traffic sa Edsa at hindi rin naman baha. Sobrang thankful talaga ako kay Papa God at kay manong cab driver dahil makakauwi na rin ako sa wakas at hindi ako gaanong na-stranded, di gaya ng ibang pasahero. I got home past 11PM. Thanks God talaga!

Last night was indeed an epic Happy 30th Neen Day! LOL. Sa buong buhay ko, kagabi ko lang narasan ang ma-stranded sa daan. At kagabi ko lalong napatunayan kung gaano ko ka-LOVE si Nino at ang Arashi!



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...