Yesterday was my Dad’s 65th birthday. At kasabay
ng kanyang kaarawan ay ang babang luksa niya. Hindi ko pa nasabi dito sa blog
ko, but yes my dad passed away last year. Napakabilis ng panahon at ngayon nga
ay isang taon na ang nakalipas mula nang magpaalam siya sa mundo. Hindi mawawala `yung pakiramdam na nami-miss
ko siya, siyempre naman, siya ang tatay ko. Pero matagal ko nang tinanggap na
wala na siya. At baka isipin n’yong napakasama ko naman para agad na matanggap
ang bagay na ito. Para sabihin ko, mula nang ma-diagnosed siya sa sakit na
sanhi ng kamatayan niya ay matagal ko nang tinanggap na mawawala siya. Hindi
lang naman siguro ako ang anak na ganoon, right?
Anyways, since it was my dad’s birthday and babang luksa na
rin, maraming pagkain kahapon dito sa bahay. At gaya ng kagustuhan ni pudrakels
na may lechon sa 65th birthday niya ay hinandaan siya ng lechon. Malamang
kung nandito lang siya kahapon ay tuwang-tuwa siya. Maraming pagkain pa rin dito
hanggang ngayon dahil hindi naman gano’n karami ang naging bisita namin bukod
sa ilang kaibigan ko, mga nagdasal at dalawang bisita ni mama. At bawal pa rin
sa aking kumain ng marami which is nakakatulong naman kasi I’ve already lost
weight. My goal is to lose more weight before ako bumalik sa work. I want to be
skinny ala-Kim Chiu by November. LOL. At si Kim Chiu talaga ang peg? Hindi
naman masyado . Mas type ko pa rin na maging kasing-glorious ng katawan ni
Miranda Kerr at Candice Swanepoel ang katawan ko. #ambisyosa ako, eh.
Happy Birthday dad!
No comments:
Post a Comment