READ MY STORIES ON WATTPAD

Monday, November 18, 2013

Aray! Ang Sakit.

Hi guys!

Uhm, ano ba ang ikukuwento ko rito? Wala naman masyado. Naiinis lang ako kasi ang sakit sakit ng tiyan ko at isama pa ang balakang at likod. Feeling ko pati matris ko masakit din x_x. I went to my OB kanina and told her about this, sabi niya gano’n daw talaga kasi medyo malalim yung sugat from my operation. Pero leche naman, kasi ang sakit talaga. Nahihirapan pa akong matulog. Actually, hindi nga ako makatulog dahil masakit siya. But not like the pain I had last year whenever I got my period. At ang lintek na Mefenamic acid, wala talagang silbi saken. I’ve taken this before but it don’t really relieve my dysmenorrhea pain. Parang ngayon lang. Haist. Kakainis lang, eh. I was supposed to go back to work na sana this week, pero extend ko na lang next week. Okay lang naman daw sabi ng boss ko. Sagarin ko na raw ang 60 days leave ko. Dahil masunurin ako, next week na lang ako papasok! Sana magaling na talaga ako.

Anyways, I’m back to writing again! Yay! Pinilit ko talaga ang sarili ko na magsulat ulet, kasi nahiya naman ako sa mga nagpi-pm saken sa FB. And they were expecting Micky’s story. So, ayan, napilitan ako. CHOS. Well, plano ko naman talaga isulat ang love story ni Micky. Isang malaking tamad lang talaga ako. But let’s forget about my katamaran kasi sinusulat ko na siya ngayon. At sa awa ng Diyos, ang bagal ko pa rin magsulat. I’m always like this. Never naman ako nakakatapos ng manuscript in days. It always takes me months. Natuwa naman ako sa plot ko, pero parang ang hirap pa rin. Siyempre, laging gano’n naman ang problem ng writer na baguhan na tulad ko. Maraming doubts. Anyway, sana matapos ko nga ito before December ends. Para ma-submit ko na siya by then. Pero bago ang lahat, hindi sana naliligaw ang utak ko sa pagsusulat nito. As usual, magulo na naman ang utak ko. Di ako makapag-decide kung ano gusto kong mangyari talaga sa mga bida, eh. Haha. Pero dahil nga may nagre-request, pilitin ko pa rin ang sarili ko na matapos ito. Pero dahil masakit nga ang everything ko right now, hindi ako makapagisip kaya iniwan ko ang pagsusulat ng novel. Ang hirap naman kasi yung nagiisip ka ng isusulat mo, tapos may parte ng katawan mo na ang sakit-sakit. I could not focus. Imbes nga na itulog ko na ito, hindi rin ako makatulog kasi ang sakit nga. Hay, buhay! Ang hirap talaga ng may matris!


At bakit ako nagta-Tagalog ngayon? Tinatamad ako mag-Ingles, eh. Haha.

P/S: Canon in D by Pachelbel is playing in the background... I just love this song. I want this to be played when I walk down the aisle. Ninomiya Kazunari or Sakurai Sho playing Canon in D on the piano while MatsuJun is waiting for me at the altar. LOL


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...