READ MY STORIES ON WATTPAD

Friday, December 07, 2012

Insecurity Attacks

Ito na naman yung mga panahon na inaatake ako ng matinding insecurity. There was this girl (from the Arashi fandom) who posted on my FB page that she got my book and she'll PM me raw with her thoughts about my novel. I replied to her comment, at ang sabi ko: "Thanks, and sana kahit pano ma-enjoy mo yung book." And then kaninang umaga, nag-reply siya sa comment ko, and said "well… not entirely." So ayun, dahil sa comment nya parang doomsday ang feeling ko. Bigla akong inatake na naman ng insecurity. Well, lagi ko naman naiisip na hindi ma-appreciate ng iba ang nobelang sinulat ko. Tanggap ko naman talaga na hindi ako magaling. Kaya lang siyempre, nalulungkot pa rin ako sa pakiramdam na wala naman palang natuwa sa isinulat ko. The "what's the point of writing?" question was bugging me again ~.~.

I really want to be a “magaling” na writer like my idols (Vanessa, Mandie Lee (Yumi Sagara), Rose Tan, Sheena Rose and J.R.R Tolkien (kung mas ambisyosa pa) and all these sikats and magagaling na manunulat. But I know mga 48 years pa bago mangyari iyon o bago ako lumevel sa kanila. Bakit kasi hindi kasing rich ng utak nila ang utak ko? Bakit hirap na hirap akong magsulat ng maganda?

Minsan tuloy, naiisip ko talaga na i-give up na lang ito. But then, no matter how many times I've said this, I always keep on coming back to writing. Isa ito sa mga bagay na hindi ko kayang hindi gawin o hindi balikan. I know I'm not good at marami pa akong kakaining bigas para gumaling sa pagsusulat pero minsan naiinip ako. Kasi gustong-gusto ko nang gumaling magsulat pero hindi naman ako magaling T^T. And that frustrates me more. Ack :| .

Hindi ko alam kung ilan ang nakabasa na ng libro ko. At sa mga iyon hindi ko alam kung nagustuhan nila o gusto nilang itapon ang libro. Haay. Although, may nag-message naman sa akin sa FB na nagustuhan daw niya ang story ni Shinji. At sobrang natuwa ako run. The feeling was so overwhelming. Pero bukod sa kanya wala nang nag-PM saken. LOL.

Siguro nga masasabing feelingera ako kasi, hindi ko rin maalis sa utak ko na gusto kong magkaroon ng "taga-hanga" or FANS. Ang sarap siguro kasi ng feeling ng may humahanga sa'yo and yung feeling na may napasaya kang tao dahil sa isinulat mo. Pero malamang mga after 10 years bago ako magkaroon ng "fans". HAHA! Or that would never happen ever.

Basta ang dream ko ngayon ay makapagsulat ng maraming libro (kung kakayanin ko) at maging katulad ni J.R.R Tolkien #ambisyosa . I'm just kidding. I know I wouldn't be in Sir Tolkien's level. So, my goal for next year is to write and write and write... hmm... At least 5 manuscripts and that 5 MS are all approved. Ayan, hindi ko na tinaasan ang goal ko, Kasi alam kong imposibleng makapagsulat ako ng mas marami pa diyan. lol. Ang 126 pages na pocketbook sa’ken ay inaabot ng 3 months bago ko maigapang.

My other wish is for JJ's story to be approved *crossing fingers*.

-Yaney Matsumoto-

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...