READ MY STORIES ON WATTPAD

Tuesday, April 29, 2014

Nakakasama ng loob


Wala akong asawa, wala akong pamilyang sinusuportahan, pero hindi ibig sabihin niyon na hindi ko kailangan ng pera. Siyempre, may mga bagay na gusto akong bilhin. Hindi porke wala akong anak o asawa, eh, hindi ko na pagkakagastusan ang sarili ko. Diba? Ang nakakainis lang kasi, actually, hindi ko na nga gustong sabihin iyon dito kasi masyadong personal ang bagay na iyon, kaya lang, inis na inis talaga ako. May officemate akong may utang sa`ken. And take note, last year pa `yung utang sa`ken. At nadagdagan pa iyon no'ng mag-leave ako sa opisina dahil naoperahan ako, kaso ang siste, iyong officemate ko, hanggang ngayon hindi pa rin nagbabayad ng utang sa ken. Okay. Meron siyang naibigay sa `ken, pero kung iko-compute ko lahat ng pagkakautang niya ay hindi sapat iyong mga naibayad niya sa akin. Ang nakakainis kasi, hindi na nga ako nagbibigay ng interes, eh, ang tagal pa magbayad. Hindi porke, hindi ako mahilig bumili ng mga gamit o kung anuman ay hindi ko na kailangan ng pera. Siyempre naman, nagiipon din naman ako para sa sarili ko. At kahit gusto kong bumili ng isang bagay na gusto kong magkaroon ay hindi ko magawa dahil nasa kanya pa yung ipambibili ko sana. Ang saklap, diba?

Mabait naman siya sa mabait talaga, pero `yung promise niya sa akin na babayaran niya lahat ng utang niya sa akin kapag dumating na yung asawa n`ya from abroad (he's a seaman, btw), hanggang ngayon, ngangabelles pa rin ako. Pati nanay ko, hinihingan ako ng pera, na kahit gusto kong magbigay ng mas malaki pa sana, eh, hindi ko magawa kasi wala rin naman akong maibibigay. Kakaasar lang talaga. Naiintindihan ko naman `yung mga hinaing niya sa buhay, pero sana naman ma-gets niya na kailangan ko rin `yung pera ko. PERA ko `yun, eh. 

Tapos ang higit pang nakakainis,  `yung may loan siya tapos gamit yung pangalan ko. Dine-duct `yung bayad sa loan sa suweldo kasi sa akin nga nakapangalan `yon. Okay lang naman na gamitin ang pangalan ko, pero sana pagdating ng pay day ay on-time din `yung pagbibigay niya sa`ken nung katumbas ng halagang dine-duct sa suweldo ko. Ang nangyayari kasihindi na on-time, edi, nagsa-suffer naman `yung savings kokasi pag nauubusan na ako ng budget (for everyday expenses), hinuhugot ko yung pera sa savings ko. Kawawa naman ang savings ko. Nakakainis lang talaga. Nakakasama ng loob. 

Iyon ngang dating utang niya sa akin, ay na-offset na dahil lagi niya akong binebentahan ng mga bag, relo saka perfumes. Ang fault ko lang, hindi ako makatanggi sa mga inaalok niya. Gusto niya yatang tularan ko siya sa klase ng lifestyle na mayroon siya. Hindi naman ako ganoon, dahil hindi naman ako sobrang maluhong tao. Hindi rin naman "daw" siya maluho. Pero `wag ka, branded ang mga damit at mga sapatos. Pati anak niya. Kasehodang marami siyang utang pati na sa credit card no'ng isang officemate namin. Nando'n na ako sa nakakabayad siya ng mga utang niya sa credit card ni officemate, pero hanggang ngayon marami pa rin utang. Ewan ko ba, may nag-a-abroad naman siyang asawa na MALAKI talaga ang kita, pero ewan ko ba. Ayoko ko na nga sabihin dito ang nalalaman ko kahit alam kong hindi naman siya mapapadpad dito sa blog site ko. Lol.

Ang hirap pa, kahit gusto ko malungkot sa lahat ng kaisipang iyon, parang wala akong karapatan kasi nagi-guilty naman ako na singilin siya. Pero sana diba, ma-feel niya na hindi naman ako mayaman. Feeling niya wala akong problema sa buhay, eh. Porke wala akong asawa o anak na gaya niya. 

Para namang  hindi ko kailangang palitan `yung luma kong cellphone na wala na sa uso. Haay....

There I said it.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...