It's been 4 years since the death of my father dear. Noon pa, tinanggap ko nang mawawala siya. Kaya nga hindi na ako naiyak no'ng mawala siya. Hindi kasi biglaan. But it doesn't make me a bad daughter, right? Anyway, nakaka-miss din naman talaga `yung tatay ko. Masarap magluto iyon, eh. Daig pa si mudra. Tuwing weekends, mas masarap ang ulam namin sa bahay. Nakaka-miss `yung mga araw na iyon. Saka, super strict ni father dear, kahit graduate na kami sa college no'n, pahirapan pa rin magpaalam kapag may lakwatsa. Bawal mag-jowa hangga't di nakakatapos ng pag-aaral. Dahil masunurin akong anak di pa rin ako nagjojowa hanggang ngayon. LOL.
Naaalala ko pa no'ng Highschool ako, pinagagalitan kami niyan kapag wala kaming ginawa ng ate ko kundi magbasa ng pocketbooks. Ang linya niya, "romansa ka nang romansa!" LOL. Tapos nagagalit pa `yan sa akin noon nung trying hard akong magsulat ng nobela na typewriter pa ang ginagamit ko. Puyat daw ako nang puyat. "Perspiring" writer pa ang tawag sa akin. Instead daw magsulat, maghanap raw ako ng trabaho. Pero `wag ka, super proud naman sa akin no'ng makapag-publish ako ng nobela no'ng 2011. Pinagmalaki pa sa mga kamag-anak namin. Ang first pen name ko, ginamit ko ang middlename niya. Feeling ko, naging happy rin naman siya na na-achieve ko yung pangarap kong makapag-publish ng nobela.
And hey, I can still remember the time when he would watch movies with me. Pati mga type kong Korean or Japanese movies pinatos niya. Haha. Minsan pinagagalitan niya ako kasi madaling araw na, nanonood pa ako ng drama ni Nino Kazunari. Pero `wag ka, nakikinood din siya. He knew the Arashi members and he knew about my deep love for MatsuJun. He didn't like my fangirling ways, pero minsan trip niya akong asarin na supportive siya sa kahibangan ko.
Haaay, those were the days.
Madalas man kaming mag-alingan ni father dear no'n, still, nakaka-miss yung mga moments na `yun. Pero kung meron talaga akong nami-miss sa kanya, iyong mga luto niya talaga, eh. But I know, he's happy wherever he might be right now. I believe sa heaven iyon, kasi tinanggap niya si Jesus Christ as his saviour before his last breath.
No comments:
Post a Comment