Bakit kaya may mga taong user friendly, `no? Kapag may pakinabang pa sa'yo, ang bait-bait niya. Pero kapag hindi ka niya kailangan, wala na. Para ka ng stranger sa kanya.
Hindi naman ako mayaman. Sapat lang ang kinikita ko. Ni hindi ko nga masasabing makakabuhay ako ng pamilya, pero ito namang dating kaibigan ko... okay, I would consider her now a former friend. Anyway, going back sa kuwento, iyon nga, so hindi nga malaki ang sahod ko, pero itong dating office mate/ friend ay bigla na lang naglahong parang bula after niyang mag-resign dito sa office. Iyong utang niya sa akin, di pa niya binabayaran. Three years na `yon! Imagine?! Da fuq di ba? As if hindi ko kailangan ng pera. Tapos iyong inutang pa niya dito sa office na ginamit ang name ko, di man lang mahulugan sa akin. Ako tuloy ang nagdurusa sa pagbabayad. As if ako naman ang nakinabang sa pera na iyon. Kaya nakakangitngit talaga. Pero kahit kasi magalit ako, wala naman akong magawa. Kahit awayin ko, deadma si ateng. As if wala siyang atraso sa akin. Jusko. Gusto ko na ngang mura-murahin, kaso ako lang naman ang magkakasala sa Panginoon. As much as possible, ayoko talagang nagagalit sa kapwa ko. Ayokong magtanim din ng galit sa kapwa. I appreciate din naman lahat ng kabutihan niya sa akin, but I feel so abused and used. Da fuq talaga. The problem is, masyado akong naging mabait, eh. Haaay.
Mukha ba akong di namomroblema sa pera o sa buhay?! Kakaloka. Por que, single ako, hindi na ba ako nangangailangan? Kaasar, eh. Tapos ngayon, hindi man lang nagpaparamdam. Nakaka-leche lang. Sa lahat ng taong sinayang ko sa lecheng opisinang ito. Oo, isa pang nakaka-leche 'tong opisina namin, wala man lang akong napala.
Buti na lang, lipsticks make me happy. Haha. Anon'g koneksyon ng lipstick sa rant ko? Wala lang. Mema. Lels. Basta happy ako kapag may nape-purchase akong bagong lippie/s. It's the only thing that can make me happy as of now. Walang ka-date, eh. Walang boyfriend. Eh, di mag-lipstick na lang. Nakakaganda pa ng napaka-plain kong pagmumukha.
So, iyon lang ang rant ko for now. Pero I still pray pa rin na bayaran ako ng may utang sa akin. Hindi rin biro ang lahat ng pera kong nasa kanya, `no. Binigyan niya pa ako ng sakit ng ulo.
No comments:
Post a Comment