READ MY STORIES ON WATTPAD

Wednesday, February 15, 2017

Nganga as always


Medyo ganito yata ang itsura ko kahapon habang naglalakad sa kahabaan ng Araneta Center. Couples are everywhere. And I was planning to eat out last night, pero ang daming tao sa mga restaurant. Also, I don't wanna look like a loser kaya umuwi na lang ako ng maaga.

Every fucking Valentine's day, nalulungkot ako. Parang sinasampal ako ng realidad na, "I'm alone and lonely". I never got to have a date on Valentine's day everrrrr. I've never received flowers everrrr. Tho, nung 21 years old ako, someone gave me a gift. Dalawa yun, actually. Pero kasi naman, kapag di mo type yung nagbigay, hindi mo masyadong ma-appreciate. Okay, oo na. Napakasama ko na. Kaya siguro naisumpa akong maging single, eh. LOL.

Pero dati wala naman talaga akong paki sa Valentine's. It's just like an any normal day. Pero kapag tumatanda ka na at mag-isa, walang jowa o wala man lang constant date, eh, do'n mo mapi-feel yung sadness. For two fucking straight years, naiyak ako. Ayoko na ngang isipin. Mas nasasaktan ako kapag umaasa tapos in the end, NGANGA.

At oo napapaisip talaga ako minsan, PANGIT ba ako? Di ba ako kanasa-nasa? Hahaha. Pero parang alam ko na ang sagot. Nobody has ever courted me. At wala rin akong alam na may crush sa akin. `Yung seryosong crush, ha. Lels. Yung nagbigay sa akin ng gift noon? Ewan ko. Kailan kaya `yung time na `yung gusto ko, eh, magugustuhan rin ako?

Nganga as always.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...