Happy New Year everyone! This is some kind of a late post, because, hello? It's January 3rd already. Anyway, gusto ko lang magkaroon ng first post ang 2014 ko kaya I decided to write something on here.
Akalain mo `yun, naka-94 entries ako for 2013? Iyan na ang pinakamarami kong post ever. Nawa'y mas dumami pa ngayong taon. Feeling blogger ako, eh.
Last year, wala naman akong masyadong masasabi na bonggang kaganapan sa buhay ko, except sa naoperahan ako, `yun lang. Haha! Meron pa palang milestone sa buhay ko,
Pero iba na lang pagusapan natin. This 2014, I promise to be a little bit stricter on dieting. I wanna achieve that Victoria's Secret Angel body. That banging body. Haha. Parang imposible pa rin, kasi I'm not sure if I'm allowed to exercise/work out na. I have to consult my doctor first about this.Medyo excited naman ako to work out. Sabay gano'n? Bawal na ang tatamad-tamad this 2014. Haha. Saka, I hate seeing myself in the mirror, looking bloated and fat. So fugly. LOL. Nakakasawa na maging mataba! Sana talaga sipagin na rin ako sa pagda-diet. I promise din this year to be more masipag in writing. Yes. I want to take this seriously. Hiyang-hiya naman ako na 1 novel per year lang si Yaney Matsumoto. O, di ba? Ako na ang tamad kasi. Dapat madagdagan ang 1 novel per year na `yan. Pero higit sa lahat, sana matapos ko na story ni Micky para ma-submit ko na before 3rd week of January. Ang tagal ko na kayang sinusulat `yon. Since late October pa `ata. Also, I will try my very best to refrain from using too much of the internet. Lalo na ang Facebook. `Yang Facebook na `yan ang panira sa writing career ko, eh. Basta sana magawa ko talaga `yan.
So far, iyan pa lang naman ang naiisip ko. Ayy, sana pala this year maka-travel ako out of the country. Sayang naman ang passport kong malapit nang ma-expire nang hindi ko pa nagagamit. Hirap pa namang mag-renew.
Wala na akong ibang maisip na talakayin dito, pero bukod sa lahat nang nabanggit ko sa itaas, pinakagusto ko sa lahat, maging kamukha ni Miranda Kerr! LOL.
No comments:
Post a Comment