Woohoo! Finally, after 48 years, natapos ko na rin ang story ni Micky!!! I thought hindi ko na siya matatapos ever kasi talagang nauurat na ako sa kanila ni Marla. Lol. Eh, paano naman kasi, I've been writing Micky's story since late October 2013 and then last Monday ng madaling araw ko lang siya natapos sulatin. O, di ba, ang tagal-tagal na. Ito na rin ang pinakamatagal na nobelang naisulat ko sa tagal ko nang pagta-trying hard na magsulat. Usually, a novel takes me two months to write it. Ewan ko ba bakit ako inabot ng ganito katagal. Katamaran? Maybe. At gaya nga ng madalas kong sabihin, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga bida pagdating ng Chapter 5 onwards! At kadalasan din, sumusobra ako sa required word count. Ito ngang kay Micky ay hindi ko na alam kung paano ko pa babawasan at napakahaba pa rin niya. Sana umubrang pang 144 pages. If ever lang naman na ma-approve. Di pa rin naman ako confident na papasa siya. Well, hopefully.
Anyhoo, as a writer ng story ni Micky, natutuwa naman ako sa sinulat ko. Siyempre ako ang writer, eh. Lol. Masaya talaga ako na natapos ko na siya. Kasi ibig sabihin no'n, I can go back to being a reader once again. Whenever I write a novel, I refrain myself from reading books. Nakasanayan ko na. Sobrang tagal kong sinulat yung story ni Micky, so, `ayun, ang tagal ko ring di nakapagbasa ng mga libro. Bukas na bukas, I promise to go back into reading again. Ang dami ko pa namang books na pinagbibili na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababasa. Pero sana, hindi naman ako maadik sa pagbabasa kasi gusto ko naman makapagsulat ulit. Eh, diba plano ko nga maka-atleast more than one novel this year? Hehe. Sana magawa ko at hindi tamarin ang aking writer self. I plan to write pa naman, Curtis Feleciano's story. This time, totoo na at hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. May naisip naman na akong plot para sa kanya. Hmm. Sana okay din at mapagtagumpayan ko. Huwag lang talaga akong tatamarin kasi patay tayo diyan. Baka one novel per year na naman ang kalalabasan ni Yaney Matsumoto. Lol. Huwag naman sana, di ba? Though, hindi ko naman gustong karirin ang writing, siyempre, iba pa rin `yung feeling na marami kang nakikita na published novel na gawa mo.
I just really hope na ma-approve ang story ni Micky! Ang hirap kayang sulatin no'n. Hindi naman complicated ang plot niya, basta nahirapan lang talaga ako. Haha!
You should be proud if it took you long to write it, it just means pinag-isipan at pinaghirapan mo talaga hehe
ReplyDeletenahiya naman ako at napadpad ka sa aking abang blog. Lol. Anyway, thanks for dropping by and for the nice comment. :)
ReplyDelete