Woohoo! Finally, after 48 years, natapos ko na rin ang story
ni Micky!!! I thought hindi ko na siya matatapos ever kasi talagang nauurat na ako sa kanila ni Marla. Lol. Eh, paano naman kasi, I
've been writing Micky's story since late October 2013 and then last Monday ng madaling araw ko
lang siya natapos sulatin. O, di ba, ang tagal-tagal na. Ito na rin ang pinakamatagal na nobelang naisulat ko sa tagal ko nang pagta-trying hard na magsulat. Usually, a novel takes me two months to write it. Ewan ko ba bakit ako inabot ng ganito katagal.
Katamaran? Maybe. At gaya nga ng madalas kong sabihin, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga bida pagdating ng Chapter 5 onwards! At
kadalasan din,
sumusobra ako sa required word count. Ito ngang kay Micky ay hindi ko na alam kung paano ko pa babawasan at napakahaba pa rin niya. Sana
umubrang pang 144 pages. If ever
lang naman na ma-approve. Di pa rin naman ako confident na papasa siya. Well, hopefully.
Anyhoo, as a writer
ng story
ni Micky, natutuwa naman ako
sa sinulat ko.
Siyempre ako ang writer, eh. Lol. Masaya talaga ako na natapos ko na siya.
Kasi ibig sabihin
no'n, I can go back to being a reader once again. Whenever I write a novel, I refrain myself from reading books. Nakasanayan ko
na. Sobrang tagal kong sinulat yung story ni Micky, so, `ayun, ang tagal ko ring di nakapagbasa ng mga libro. Bukas na bukas, I promise to go back into reading again. Ang dami ko pa namang books na pinagbibili na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababasa. Pero sana, hindi naman ako maadik sa pagbabasa kasi gusto ko naman makapagsulat ulit. Eh,
diba plano ko nga maka-
atleast more than one novel this year?
Hehe. Sana magawa ko at
hindi tamarin ang aking writer self. I plan to write pa
naman, Curtis Feleciano's story. This time,
totoo na at
hindi na ako
magpapaliguy-ligoy pa. May
naisip naman na akong plot para
sa kanya. Hmm. Sana okay din at
mapagtagumpayan ko. Huwag lang talaga akong tatamarin kasi patay tayo diyan.
Baka one novel per
year na naman ang kalalabasan
ni Yaney Matsumoto. Lol. Huwag naman sana, di ba? Though, hindi ko naman gustong karirin ang writing, siyempre, iba pa rin `yung feeling na marami kang nakikita na published novel na gawa mo.
I just really hope
na ma-approve
ang story
ni Micky! Ang hirap kayang sulatin no'n. Hindi
naman complicated
ang plot
niya, basta
nahirapan lang talaga ako. Haha!