READ MY STORIES ON WATTPAD
Tuesday, December 02, 2014
Hello, December!
Uh-huh. Please be good to me!
Ya know what, isa ito sa mga buwan na gusto at ayaw ko at the same time. Gusto ko siya in a sense na it's Christmas time. Ang ayoko, yung obligasyon kong magbigay ng regalo sa mga inaanak. Bakit ba kasi ako tumanda at nagkaroon ng mga inaanak?! wtf. Good thing, kakaunti lang ang mga inaanak ko at wala pa naman akong plano na dagdagan. Ang gastos kaya! LOL.
Anyway, magtatapos na ang taon, yung story ni Micky at Marla ay hindi pa rin lumalabas. I'm not sure if it's going to be published this year. Baka nga next year na. Okay lang din naman, At least may dalawang nobela akong aabangan na ma-release sa 2015. Ang nakakalungkot lang isipin ay wala akong publish book ngayong 2014! Gaaaah! Pero as if naman marami ang nag-aabang ng nobela ko, `no? Haha!
Ang wish ko ngayong Disyembre, makapagsimula na ako ng bagong nobela. Ang balak kong sulatin ay iyong istorya naman ni Yuan (Jaeden's best friend. At may-ari ng Yuan's Coffee Shop kung saan nagta-trabaho si Louise bilang pastry chef.) Sana masimulan ko na siya sa weekend! Sana hindi ako tamarin. Lol. Pero mas masayang mag-marathon ng Game of Thrones. Pramis. Nakakaadik manood ng GoT. Season 2 pa lang ako. Sana matapos ko rin agad-agad.
Wala na akong ibang maisip na sabihin dito... Ayyy oo nga pala! Iyong isang kaibigan ko ay lilipad na patungong Japan bukas. I'm so #inggit. Mga 90 days siya roon. Ang bongga diba! Ako nangangarap pa lang makapunta ng Japan. I wish... someday.... SOON!
Iyon lang. Bye!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment