READ MY STORIES ON WATTPAD

Wednesday, January 11, 2017

Minsan Napapaisip Ako

Hey there! Yessss it's been a while. As usual, tinamad na naman akong mag-post. Wala akong year-ender blog. 2016 was the year na ang tamad-tamad kong mag-blog. Ewan ko ba. Since magkaroon ng Instagram, medyo nawalan na ako ng gana mag-blog. Haha! Eh kasi naman parang doon ko na rin ginagawa yung mga gusto kong i-blog. Kahit nga tumblr account ko di ko na nabubuksan.

Anyway, since 2017 na kelangang magkaroon ng laman ang blog na ito. Marami naman akong gustong ikuwento kaya lang parang masyadong personal kasi para i-share ko pa dito.


Pero ito, minsan napapatanong ako sa sarili ko, destined ba talaga na tumanda akong mag-isa? As in wala bang balak si Papa God na bigyan ako ng jowa? Kahit kasi sabihin kong di ko naman kelangan, minsan, napapaisip din talaga ako kung ano ang feeling ng may jowa. Siyempre gusto ko rin naman subukan yung everyday may magpapakilig sayo diba? But to be honest, medyo nawawalan na ako ng pag-asa. Pero di naman ako asang-asa, ha? Sanay na sanay naman na akong mag-isa. Saka hindi ko naman masabing super choosy ako when it comes to boys. May taste at standard naman ako. Di naman yung basta-basta lang na lalaki magpakita ng interes sayo ay sunggab agad. At ewan ko ba, ang problema siguro sa akin, eh, hindi ako basta-basta naniniwala sa sinasabi ng lalaki. Kung sasabihin mo sa aking "gusto kita", hindi ako maniniwala. Haha. Tapos, iyong karamihan pa sa mga lalaki, jusko, ang hirap na talagang maghanap ng matinong lalaki ngayon.

Alam n'yo ba meron akong ka-chat na Western guy. We've been talking for months. And yes, he told me he likes me, pero hindi talaga ako maniwala. He's just talking to me kasi he's pervy and naughty. Bakit ba ganon ang mga lalaki `no? Especially this foreigners na ang hilig mag-flash ng keme nila on cam / online. Honestly, ayokong tingnan yung mga ganyan. I watch porns pero it's not like me naman to watch a man wanking on cam or video. Like, hey, I'm talking to this guy and all he ever does is wank when we're talking. Sa totoo lang ay nao-offend ako. Dapat ba akong matuwa o ma-flatter kasi he feels horny whenever he sees my face? Siguro at some point, oo. Kasi, wow, ganda ko naman o hot talaga ako? HAHAHA. Pero ayoko kasi na iyon ang laging dahilan kaya gusto niya akong kausapin. Nao-offend din ako pag nagse-send din sa akin d*ck pic. Like wth. Interesado ba ako sa ganon? Jowa for keeps ang hanap ko hindi good time. Sa tanda ko bang ito, hookup at good time lang ba hahanapin ko? At kung gusto ko nang ganon edi manood na lang ako ng porn. LOL. Ang hirap talaga maghanap ng matinong lalaki. Karamihan bastos.

Kung may mahahanap naman akong Pinoy, eh wala namang problema sa akin. Eh kaso, dito pa nga lang wala namang gustong jowain ako. LOL. Di naman ganon kataas ang standards ko. Pero hiling ko naman sana, eh, yung kahit paano may class at di naman puro keme ang nasa isip diba?

Ano bang problema sa akin? LOL. Dahil di ako pretty-pretty-han? Di naman ganon kasama ang ugali ko, ah. Di nga lang ako sexy. Pero ito ang opinyon ko talaga, madalas sa mga Pinoy na lalaki, hilig niyan, magaganda at sexy kumpara sa mga Western guys na di naman ganon ka-importante ang physical beauty. Haaay, ewan ko lang. Basta ganyan ang observation ko.

Sa akin naman, hindi naman kailangan na POGI yung tipong MatsuJun ganyan, mahirap i-achieve `yan. Ang gusto ko lang naman matinong tao, mabait at kung bastos man medyo lang. Hindi yung tipong magse-send sa akin ng d*ck pic. LOL. Hindi ko pa nga jowa, eh. Pero kahit jowa ko di na kelangan i-send pa `yun kasi makikita rin naman sa "tamang panahon". Yung fez, di naman kelangang pogi, kasi kapag pogi maraming makakaribal. Basta type ko, pwede na `yun. Nararamdaman ko naman `yun. Saka siyempre kelangan din kung partner in life, yung kayang bumuhay ng pamilya. Ayoko naman ng aasa sa akin, ha? Hindi naman ako big time. Plus factor pa `yan kung Christian since I'm a firm believer of Jesus Christ.

Pero minsan talaga napapatanong ako sa sarili ko...

Am I really destined to be alone? I hope not.

I'm a good catch din naman kahit paano. Matino naman akong babae. Walang inagrabyadong tao kahit minsan sa buhay ko. Medyo maldita, pero wala pa naman ako napapatay kahit hayop. LOL.





No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...