Drama tells the story of Ko Dong-Man and Choi Ae-Ra.
In their school days, Ko Dong-Man took part in taekwondo. Now, he makes a living by working as a contract employee and also goes after the UFC title.
Choi Ae-Ra hoped to become an announcer, but she gave up her dream. Now, she works at the information desk of a department store.
In their school days, Ko Dong-Man took part in taekwondo. Now, he makes a living by working as a contract employee and also goes after the UFC title.
Choi Ae-Ra hoped to become an announcer, but she gave up her dream. Now, she works at the information desk of a department store.
STARRING:
Park Seo-joon as Ko Dong-Man
Kim Ji-won as Choi Ae-RaAhn Jae-hong as Kim Joo-Man
Song Ha-yoon as Baek Seol-Hee
For starters, this entry is not a review but a mere commentary about the drama, Fight My Way. I do not do reviews since hindi naman talaga ako magaling doon. Haha.
Alam n'yo bang isa ito sa masasabi kong favorite kong korean drama evarrrr? Yes. Tama nga ang pagkakabasa mo sa sinabi ko. Simple ang story pero may touch ng reality. Yung mga ganap sa buhay ng mga bidang charactes dito ay hindi nalalayo sa mga pangyayari sa buhay natin. Ano nga ba ang tawag nila roon? Slice of Life? Pero in fairness, ang taas daw ng rating nito sa South Korea. Relatable kasi yung struggles in life ng mga lead characters.
Actually, ang dami kong gustong ikuwento kaya lang baka ma-spoil kayo tapos tamarin na kayong panoorin ito. Pero ang masasabi ko lang, ang lakas ng chemistry ni Seo Joon at Ji Won! Every time I see them on the screen together, yung feels at kilig ko overflowing! I instantly became a shipper of these two beautiful people. Sana in real life maging mag-jowa din sila! Haha. At in fairness uli, kahit yung dalawang supporting characters na sina Joo-Man at Seol-Hee, litaw na litaw din ang chemistry.
Anyway, ang pinakagusto ko sa drama na 'to, eh yung character ni Kim Ji Won as Choi Ae-Ra. I really like girls who got spunk and are feisty. Yung tipong hindi magpapaloko o hindi magpapa-api. Iyan talaga `yung mga peg ko sa buhay. Kasi nga diba sabi ko, ayoko ng mga pabebeng character? Iba talaga 'tong si Ae-ra eh! I totally love her.
Yung cinematography, bongga as usual. Di naman basta-basta ang Korean drama. I also like the OSTs, malakas maka-LSS. Bentahe talaga ng mga Kdrama `yan no? If you're a huge Kdrama follower/fan, mapapansin n'yo yan sa kanila.
Wala naman akong maisip pang ibang sabihin, ang importante lang naman ay kung may time kayo, panoorin n'yo na 'to. I'm sure na makaka-relate talaga kayo lalo na kung may jowa kayo. Haha.
Until next hanash!
Annyeong!
No comments:
Post a Comment