READ MY STORIES ON WATTPAD

Wednesday, July 05, 2017

Korean Drama: My Secret Romance (2017)




Jin-wook and Yoo-mi meet at a Gangwon-do resort and get caught up in a series of misunderstandings and accidents. Yoo-mi was charmed by Jin-wook's sly and playful personality, and they unexpectedly spend the night together. However, Yoo-mi disappears in the morning, leaving Jin-wook feeling perplexed and irrationally angry.

Three years later, the two meet again when Yoo-mi becomes a nutritionist at the company cafeteria where Jin-wook works. They pretend to not recognize each other, while fighting their attraction for each other. Finally Yoo-mi admits that she remembers the incident. Jin-wook asks her the reason why she left him and she replies that it was just a one-night stand.




Dahil gusto ko lang i-compensate yung mga panahon na dapat nagpo-post ako ng entry sa blog, eto na. Sinisipag naman ako today kasi wala naman akong ginagawa sa office as of this writing. Luh.

The last time I watched a Korean drama was last December 2016 with Goblin. Just like Han Hyo Joo and Lee Jong Suk’s W~ Two Worlds, I also wasn’t able to finish Gong Yoo’s popular drama. Ewan ko ba. May issue din ako sa Goblin. When I was on episode 10 (I think), bigla akong nawalan ng ganang tapusin. I’m not exactly sure what my reasons were. Hindi ko lang din siguro ganoon ka-bet yung female lead na si Kim Go Eun as Ji Eun Tak (tama nga ba `yung name?). Tapos May-December pa `yung peg nila. LOL! May issue talaga ako sa mga May- December affair or age difference na ganyan kalaki ang agwat. Anyway so, `ayun nga, I can’t remember the last Korean drama I’ve finished watching.

Then come, MY SECRET ROMANCE. In four fucking days, I was able to finish this drama! Wala namang extra-ordinary sa plot nitong drama na ‘to. It’s just like your typical, cliché, same-old same-old drama. `Yung tema, ilang beses na rin na-rehash sa pocketbooks. Pero mabenta sa akin `yung mga ganitong ONE-NIGHT-STAND kemerut, eh. So pakialam n’yo ba di ba? Haha.

Wala talaga sa plano ko na manood ng Korean drama kasi di naman ako mahilig sa bandwagon kemerut eh. And nagsawa na rin ako sa kaka-Korean drama ko nung college days ko. Nawalan din ako ng interes sa mga leading men sa Korea, hindi ko na actually kilala talaga `yung mga sikat sa panahon ngayon. Nagkataon lang na na-curious ako sa series na ‘to nung makita ko sa newsfeed ko `yung clip ng kissing scenes sa My Secret Romance. Parang ang sarap kasi humalik nung leading man. Landi ko naman! So dahil curious nga ako, I decided to watch this drama. First episode and I’m hooked already! I’m familiar with the leading lady Song Ji Eun kasi member siya nung KPop girl group na medyo gusto ko--- SECRET.

Anyway, going back to the MSR, as I’ve said earlier, typical na `yung plot pero mae-enganyo talaga yung viewers sa mga eksena. Tho at times, hindi lang naman ito `yung beses na nakapanood ako ng Kdrama na may eksenang parang fillers lang? Pero tolerable naman, eh. But that aside, tama `yung timpla ng kilig scenes, yung characters maganda ang portrayal nila sa roles nila especially Sung Hoon as Cha Jin Wook. He’s the perfect Chaebol Oppa. LOL! Ang lakas ng charisma sa screen ng lalaking ‘to. Kapag pinapakita siya sa screen parang gusto ko rin ng sarili kong Chaebol Oppa. Haha. WTF. Pero kung may kinaiinisan lang din ako sa characters, medyo hindi ko type yung character ni Lee Yoo Mi. `Yung hiccups ni Yoo Mi every time magkakalapit sila ni Jin Wook, iritang-irita ako, bes. She’s too PABEBE. And I hate pabebe characters. Pero hayaan na natin si Ate Gurl. Nadala naman niya `yung character niya na `yon. And she’s not the reason naman why I kept on watching this drama. I love the story. I love its simplicity, the romance and `yung kissing scenes. WTF.

Isa sa mga bagay na gustong-gusto ko sa Korean drama `yung cinematography nila. Bongga talaga sila pagdating dito. Isama na rin natin `yung OST sa mga drama nila na talagang pinaglalaanan nila ng atensyon. I really wish Pinoy teleseryes would step up their game and be like Korean dramas in terms of production and cinematography.

If you have time or you’re new into Korean dramas, I’d suggest you also watch My Secret Romance. Thirteen episodes lang naman ito, madali lang n’yong matatapos.

Annyeong!


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...