READ MY STORIES ON WATTPAD
Monday, January 05, 2015
Happy 2015!
Happy New Year, everyone! ^_^
Napansin kong kaunti lang ang blog entries ko for 2014... why, oh, why? Tamad much?
Hello! Bagong taon na naman! Ang bilis talaga ng panahon, tatanda na naman ako. phew!
Anyhoo...
It's not that I'm being ungrateful but I could say that my 2014 was not that GREAT (meaning, hindi siya kasing colorful ng mga ibang taon sa buhay ko.). I can't remember the highlight of my 2014. LOL. But of course, I'm very thankful of all the blessings I've received this year. I'm happy being happy with my family and friends. Pero alam mo `yung parang may kulang pero hindi mo alam kung ano `yung kulang na `yon. Basta parang ganon yung pakiramdam ko. At yung first ever out of the country travel ko sana ay napurnada! Ayoko nang sabihin dito kung bakit, kasi medyo nakakainis lang din alalahanin.
Oh yeah, the nice thing about last year was that I was able to have 2 approved manuscripts! Masaya ako na na-achieved ko `yan bilang dakilang tamad akong magsulat. But the sad thing was, I did not have a published book for 2014. Medyo umasa ako na mare-release na si Micky before December ends pero waley pala. Anyway, okay na rin iyon at least, sabi ko nga may aabangan akong dalawang nobela sa 2015. At sana magdadagan pa `yan.
THIS 2015...
Hindi ako mahilig gumawa ng new year's resolution kasi alam ko naman na hindi ko magagawa, but this time, I wanted to take actions on the NY's resolution I'm going to make this year. *crossing fingers*. I will try my best to lose weight because I'm so overweight na. Imagine, inabot na ako ng 71 kilos no'ng last time mag-check ako ng timbang. Nakakaloka. Ayokooooo nitooooo! Huhu. Kaya naman, I enrolled in a gym. Sabay kami ng friend ko. At nakakatuwa ang workout na pinili namin kasi feeling ko maa-achieved ko ang katawang Adriana Lima o Candice Swanepoel. Wow! Ambisyosa ko lang. Pero malay mo naman kung masisipag talaga ko, di ba? Basta, I'm happy naman sa napili kong workout. Kakaririn namin `to ng friend ko. Haha! Kapag ako pumayat, HU U sila sa aking lahat! LOL.
And I wish to write more novels this year. haha! wish me luck! Sisipagan ko talaga magsulat ngayon kahit weekdays, kasehodang mapuyat pa ako. XD And please pray for Yuan's story to be approved. I've already started writing his story with Cassie. :)
-- I hope to be more patient with people. Most of the time, people are annoying, eh. At wish ko rin na mas tumibay pa ang relationship ko kay God.
Ay oo nga pala, I'm looking forward to the concerts I'm gonna be attending on March! Weee~!
I'm wishing everyone with a happy, fun-filled, exciting, adventurous and more love 2015! :D
Iyon lang, bye!
p/s ilang beses ko na sinabi yang paglu-lose weight na `yan at pagsulat ng maraming novels na kinalalabasan naman kada taon, nganga! LOL. Magbagong-buhay ka na, Yaney!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment