READ MY STORIES ON WATTPAD

Monday, January 05, 2015

Nakakaloka!


Hindi ko alam kung matatawa , maiinis o maaliw ako sa dalawang taong nag-pm sa akin sa facebook.

Iyong isa, sa tingin ko naman, mas okay siya, kasi ang bungad sa akin, kung ako raw ba writer ng *Once…* ng Precious Hearts Romances. Sinagot ko naman ang tanong niya at itinama ang maling title na binigay niya. Ang nakakaloka lang, after no’n nagtanong na ng mga personal questions. And I was like, “wow, makatanong parang close friends kami,” but anyway, since I’m generally nice to people, sinagot ko pa rin ang mga personal question niya.

Tapos iyong isa namang nag-pm sa akin, nagulat naman ako kasi, personal question agad ang tanong, eh ang kaso mo, first time lang siya nag-pm sa akin at never naman kaming nagkausap kahit sa mga status ko sa fb, never naman siyang nag-comment. Tapos ibubungad sa akin, personal question? Natawa na lang ako kaysa mainis. And again, since I’m generally a nice person, sinagot ko pa rin ang personal na tanong niya.

Hindi naman ako mataray sa mga nagpi-pm sa akin, unless boys ang magtatanong ng personal questions, naiirita talaga ako. LOL. Anyway, napapaisip din ako. Bakit bigla na lang ako tatanungin ng mga personal na bagay, eh, hindi naman kami magkakilala? Puwedeng mag-ice breaker muna? Ang weird lang kasi na tatanungin ako ng mga tanong na, “ taga-saan ka po? May asawa ka na ba?” etc.

Hello?! Reader at fan din ako ng mga writer pero sa natatandaan ko, never naman ako nagtanong sa mga idols ko about their personal stuffs. Kung may asawa na sila or ilan na ang anak. Kahit curious din ako, hindi ko naman itatanong ang bagay na iyon. Well, nalalaman ko rin ang ilang impormasyon sa kanila kapag madalas ko nang nakakausap. Sa tingin ko kasi hindi tama iyon lalo na at kung hindi naman kayo close ng taong tinatanong mo.

Haay, life. Tatawa na lang ako kaysa ang mairita.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...