READ MY STORIES ON WATTPAD

Monday, October 12, 2015

Catching Up On Me (As If You're Interested.)

Hi guys!

Andami kong naiisip na ikuwento dito kaso kapag iba-blog ko na siya. Nawawala naman sa isip ko kung ano na yung dapat na isusulat ko dito. Anyway, I just want to update this blog. Wala lang. Nakaka-miss din naman kasi. Year 2013, ang sipag-sipag kong mag-blog. Biruin mong naka-93 posts ako that year? Iyon na na ang pinakamaraming entries ko dito sa ilang taon ko sa blogspot. Kahit wala naman masyadong relevance at walang sense, eh ang sipag kong mag-post. So, ano nga ba ang sasabihin ko? Okay lang naman siguro na mag-update ako rito ng kung ano-ano lang. Alam ko naman konti lang napapadpad dito. Lels.

So okay...let' start.

In the past months, I haven't written anything on the manuscript I was supposed to finish since the start of this year  (and I assume that people who follow this blog already knew about this because I've been saying this for a couple of times). I don't know, parang nawala talaga ako nang gana magsulat. I'd like to think na effect ito ng pagkahibang ko sa ONE OK ROCK lalo na kay Takahiro Moriuchi. LOL. I'm busy fangirling over them that I don't have time for something else. Iba talaga ang mag-fangirl, eh. Marubdob. Haha. Tanda ko noong nagsisimula pa lang ako sa Arashi, as in tinamad din ako magsulat no'n. Well, aside from the other issues I had before. At gano'n din no'ng 2011 when I was starting fangirling over Dong Bang Shin Ki (DBSK). Masyado akong busy sa fandom at puro sila ang inaatupag ko. Hehe. That's really not nice for my "writing" career, as if I have any. Chos. I have a few readers siguro. Mga less than ten. But I don't think they really follow me, or should I say follow my works. I'm not looking for or wanting fame or anything like that. I write because I wanted to. For self satisfaction, I guess? Since I was in my teens, I've always loved reading romance novels and I wanted to write one, someday. A few years later, I achieved that, it was a dream come true. At this point, I already have four published novels.

Ano pa ba ang gusto kong i-achieve bukod sa maging jowa si Taka? LOL. 

Pero ano nga ba ang punto ko rito? Hmm.. siguro, nawala na rin `yung drive ko magsulat since na-achieve ko na `yung pangarap na makapagsulat ng libro. Ang dami kong mga plano no'ng hindi pa ako nakakapag-publish ng libro. Gusto ko nang ganito, ganyan. Pero kapag inisiip ko ngayon, parang hindi ko siya kayang gawin. Hindi ko alam kung bakit. I've always had self-doubt in my capabilities. Aside from that, I don't have enough time to write. I have a regular day job, 8am-5pm and kahit na i-try ko magsulat kapag nakauwi na ako sa bahay hindi ko na talaga keri. As in sabog na ang utak ko no'n at wala na akong maisip. At ngayon naman, I go to the gym every after work. Mas late na ako nakakauwi ng bahay, so for sure, wala na rin akong time magsulat pa on weekdays. Even on weekends, kasi I'm super busy. Tapos iyon nga, like I always said, nawawalan na talaga ako ng gana. Kahit nga magbasa ng libro kinatatamaran ko na rin. Dati ang sipag-sipag kong magbasa ng libro. Ngayon, wala. Nganga! If there's one thing I'd like to get back to, it's my passion for reading books. Nakaka-miss din naman talaga. I have lots of books on my to-read list and ang daming pending. Hindi lang yung mismong libro, pati ebooks ang daming kailangan ko nang basahin. I wish I could find time to read again. Hopefully. And yeah, at the back of mind, I still want to get back to writing. I don't think I've said it here before, I'm a contract writer of PHR since last year and siyempre nakakahiya rin naman na for this year, wala man lang akong kahit isang naipasang manuscript sa kanila. Kahit walang nag-aabang ng libro ko, masarap pa rin naman sa pakiramdam iyong may published kang libro. I guess, lahat naman ng writer o nangangarap maging published writer ay ganoon ang feeling. Well, hopefully, I could get my groove back. Makapagsimula ng isang bagong kuwento. Kahit hindi na muna `yung kay Yuan at Cassie. I'm not sure when it will happen, maybe next year? I wissshhhh!

Anyhoo...

Kung meron mang magandang nangyari sa akin so far, this year, it's the fact that I'm losing weight. Yaaaay! Magbunyi! It has been a struggle for me for years. Pero ngayong taon ko lang na-achieve. Haha! Nakakatuwa lang. And I love that I'm seeing good results from my hard work. Sobrang nakakapagod magpapayat, but as they say, NO PAIN, NO GAIN. Super enjoy ko talaga ang workout ko na boxing. It's the kind of workout that I enjoyed from the rest I've tried before like aerobics, zumba etc. Iba `yung feeling ng boxing for me! Aside from losing weight, I can feel that I'm getting stronger. So kapag may nakaaway ako, puwedeng-puwede ko nang jombagin at siguradong tulog! Chos lang! Hindi naman ako palaaway na tao.

And here's a proof that I at least shed a few pounds.
Left pic : 2013; Right pic is very recent. Taken from last week, Oct. 2015
                   
 You see that?! You see that?!! Damn! I look good! Lels. I'm gonna post a whole body picture next time and the difference between my former majubis body versus the body I have now. I still have a long waaaay to go cause right now, I cannot say that I've already achieved the body I've always wanted. Candice Swanepoel ang peg ko! Hashtag ambisyosa. Wahahaha! Pero malay naman natin, di ba? By January 2016 super sexy na ako! hashtag ambisyosa to the nth power.

'Till next chika!! :)


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...