Ang buhay ko ay parang isang telenovela, isang pelikula at isang nobela, all in one. Parang ewan lang.
Kailangan ko ng lalaki. Yes, you read it right. I need a man, ika nga sa Ingles. Pero hindi naman gano’n kadali iyon. Sa panahong ito, hindi naman basta-basta nahaharbat ang matinong lalaki. At siyempre iyong gusto kong lalaki, hindi ko rin naman basta-basta makukuha iyon. Basta kailangan ko lang talaga ng lalaki.
Well, you could say that I’m desperate. As a matter of fact, I am. Nakaka-pressure talaga maghanap ng jowa. Sa totoo lang. Pero hindi dahil NBSB (no boyfriend since birth) ako at atat akong magka-jowa… ayoko naman ng lalaking just-just lang, ha? Iyong tipong basta may lalaki diyan, ay gow na. I’m not like that. I admit I am uber choosy. Narcissistic din, I believe I deserve someone better. HAHAHA. I wish I could tell you the details about this thing I’m going through but I don’t feel comfortable in telling the whole word about this. So let’s skip that part. XD
Tinatamad na ako sa trabaho ko. Kung puwede lang hindi na magta-trabaho, I wanna resign na with my work. But then it’s not that easy. Sayang ang hinuhulugan kong SSS, PAG-IBIG at PHIL HEALTH. At nakikinabang din naman saken ang gobyero with my tax. So sayang nga naman ang trabaho dahil binabayaran ako dito. Aside from that, where will I get the money to fund my fangirling activities if I don’t have a job?
I wish life’s easy. Iyong tipong hindi mo na kailangang mag-trabaho pero andami mong pera. Haay. I wanna be the boss of my own company! Peg ko yung proprietor ng Chatime (#milkteaforevaa). I often see her around Araneta Center. Kelan ba ako yayaman? LOL. Hindi rin naman ako yayaman sa pagsusulat. Unang-una, tamad akong magsulat. Pangalawa, hindi naman gano’n ka-bongga ang maging writer dito sa Pinas. So kahit career-in ko ang pagsusulat ay hindi naman ako yayaman dito. Unless siguro kasing galing ako ni Martha Cecilia, Vanessa at Rose Tan. But that’s next to impossible! LOL.
Haaay…. kaya minsan gusto ko na lang pumunta sa Japan para mag-krus na ang landas namin ni MatsuJun at ma-in love na siya sa’ken. Then he’s gonna marry me, I’ll be the happiest fangirl in the world and we’ll live HAPPILY EVER AFTER. Mas Masaya `yon! :D Puwedeng-puwede kong iwan ang trabaho ko sa opisina at aalagaan ko na lang si Jun. I’ll just stay at home, be a homemaker. I’ll take care of him& our kids, clean the house, cook for him (I have to learn how to cook Japanese food), wash his clothes, warm his bed *naughty grin*… IYAN NAMAN TALAGA ANG DREAM ko sa buhay! #CHAROT.
Sana ay ganoon lang kadali iyon. If the stories on my head in which Matsumoto Jun is the leading man, comes to life, then my life would be great & awesome! This is my fangirl heart talking, of course.
Actually, marriage and family are not my priority in life. Yup. Hindi talaga. Kumbaga, if it comes, it comes. Kung hindi, edi hindi. I’ve already embraced the possibility of being a spinster. If God wanted me to stay single then so be it! Basta ba, I’ll have millions and I can jet-set the world, I’m OK with it *smiles*.
But then again, I’m still not giving up the thought, the dream, the wish of marrying the love of my life~ Matsumoto Jun. HAHAHA.
hays! kung madali lang talaga lahat ng bagay sa mundo, at lahat ng gusto mo makukuha mo
ReplyDeleteoo nga eh >.<
ReplyDelete