Once And For Always
By Yaney Matsumoto
Date Released: July 17, 2013
Kahit ilang beses na habol-habulin niya ito, walang problema sa kanya. What was important was that they were going to be together in the end.
And then she saw him again…
Seeing him again made her realize something. She lied. Hindi pa pala siya totally naka-get over sa kanyang ex-boyfriend. Pero hindi niya aaminin iyon kahit kanino. Lalo na kay Jaeden. Ngunit nang muling suyuin siya nito ay tinanggap uli niya ito sa buhay niya. Ngunit mukhang nagkamali na naman siya ng desisyon dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan na naman siya nito.
After 5 friggin' months, my 2nd PHR novel is finally released! Weee! :D Sobrang tuwa ko lang nung makita ko yung tag sa wall ko sa FB about my newly released novel. Although, ina-anticipate ko na rin na within this month ang release nito since last month pa nag-text yung Editor ko to change the word count of my first page. Masyado raw kasing mahaba kaya pinapabago niya. So, `ayun nga.
Anyway, I really like the cover. Ang sensual, eh. Mas nagustuhan ko ito kesa ro'n sa book cover ni Shinji. Kita naman na maganda diba ;)? Kaya lang parang di bagay sa story...kasi hindi ko naman masasabi na sensual ang nobelang ito, `noh. Pero salamat pa rin sa gumawa ng book cover!
Well, to be honest, I love Jaeden's story more than Shinji's ( from my first PHR novel). Haha. Wala lang, mas feel ko ang hero ko dito kasi this is inspired of Kim Jaejoong. And you know naman (if you're a regular reader of my blog) how much I love Jaejoong. Sabi ko kasi sa sarili ko, dapat bago makagawa ang ibang writer ng story na ang peg ay si Jaejoong (I know hindi lang ako ang may bias sa kanya, hehe!), kailangan maunahan ko na sila! Muwahahaha. Kaya kahit hindi talaga siya ang plano kong gawan ng istorya, pinilit ko pa rin ang sarili ko na mag-isip ng plot na babagay sa kanya. Haha! So, I've come up with Jae's story and ito nga `yon. And btw, it took me 2 months to finish the manuscript. Then it took me almost a month to edit it and finally submitted it in November 2012. At oo, two times pinarevised sa akin ng editor ko `yan. I was freakingly frustrated. Ang hirap kaya! LOL. Pero dahil ayokong i-give-up si Jaeden, eh di, gow pa rin until it was finally approved! Yay!
When I bought the book yesterday, siyempre excited ako agad mabasa. Medyo, nagulat lang ako na, binuo ng editor ang pangalan ng hero. He was supposed to be using "JJ" only. Pero naging "Jaeden" na siya. Oh, well, Jaeden James Lagdameo ang buong pangalan ni hero dito. Okay, kaya ko naman palampasin `yun. At least, mukha pa rin namang si Jaejoong. JAE-joong = JAE-den . O, diba? Love ko naman `yung name kaya carry lang saken.
TRIVIA:
Jaeden Lagdameo: Like I've said before, the peg for the hero is Jaejoong of TVXQ/JYJ. Isipin n'yo na lang `yung mukha ni Jae sa Mirotic or Stand By U era. Iyon ang iniisip kong fez n'ya nung sinusulat ko ito. For me, it was his most gorgeous era. haha! Jaeden, btw is a Chef. Yep, dahil peg lang niya si Jae, hindi siya KPop idol dito. Haha! But if you get to read this novel and you're also a fan of Jaejoong and you know him well, I think mapi-feel mo `yung pagka-"Jaejoong" nung hero na si Jaeden. At dahil sa isip ko si Jae nga si Jaeden, they are the same age, 27.
Louise Sarrosa: Her name was supposed to be Rachael Leigh. Got it from Rachael Leigh Cook (used to be my fave Hollywood actress back in Highschool). Kaya lang, naisip ko nagamit ko `yung Rachel na name do'n sa Tatta Hitotsu... `yung friend ni Erika (the heroine). That's why I decided to change the name of the heroine here because they are not the same person. Baka ma-associate nang nakabasa ng novel ko na `yun na si Rachael Leigh at Rachel na friend ni Erika (Tatta Hitotsu...) ay iisa. And then I saw Louise Delos Reyes on TV one night. I really like her name. Sabi ko nga, If I were to have a daughter I'd name her "Louise". So yeah, I finally named my Jaeden's partner Louise. She's 26 and a pastry chef. Bakit pastry chef ang napili kong trabaho ni Louise? Wala lang. LOL. Medyo natuwa lang ako sa mga cupcakes at cakes. I have a friend who has a hobby for baking. Siyempre, dahil wala naman akong alam diyan sa tunay na buhay, research ng bongga. Pati `yung best school for culinary arts abroad namili pa ako. Gusto ko sana sa London eh, pero mas sikat `yung nasa New York ayon sa napagtanungan ko at ayon na rin kay pareng Google.
Supporting Characters:
Micky: He's the overprotective stepbrother of Louise and Jaeden's friend. Kung nagkataon na may Pinoy Cassiopeia na makakabasa ng novel na 'to, #alamna kung sino rin ang peg ng Micky na 'to. haha!
Yuan: Jaeden's best friend and Louise's boss and the owner of Yuan's Coffee Shop (na originally, Yuan's Coffee ang name), my editor changed it. Ok, whatever suits her. At least andun pa rin `yung "Yuan." haha! And like I said, if you're a Cassie, you'd know instantly kung sino ang peg niya. ;) At may peg din ang Yuan's Coffee Shop, Hollys Coffee. I was so fascinated with that coffee shop. I often see it in Korean dramas. Ang pretty pa ng website nila.
Max: Louise's admirer. He's a photographer. Siyempre kelangan ng third party na hindi naman talaga third party in its real sense, well for me, ha. LOL. At kung sino ang Max na insipiration dito? Sino pa, edi si Max Changmin! Since I love him too, siya ang ginawa kong guy na pagseselosan ni Jaeden.
Miranda: the international fashion and commercial model na friend ni Louise. I love Miranda Kerr as you all know. Si Miranda Kerr ang insipiration ng character na `yan.
Miranda: the international fashion and commercial model na friend ni Louise. I love Miranda Kerr as you all know. Si Miranda Kerr ang insipiration ng character na `yan.
Lissy: Louise's friend and the manager of Yuan's Coffee Shop. I haven't thought of someone para maging peg niya. Hmmm...wala akong maisip, eh!
Special participation of : Jiji--- the blue russian cat of Jaejoong. As in Jiji rin ang ginamit ko sa alagang pusa dito ni Louise. Ang cute kasi niya. O diba, ang bongga ni Jiji the cat!
**If my friends would get the chance to read this novel, hindi na nila maia-associate sa'ken si heroine. Louise and I are a different person. I made her character na wala sa character ko. Well, kay Erika, kahit paano ay may nakuha siya sa'ken. Parang nanay lang na may pinagmanahan. LOL. Pero dito kay Louise kahit isa yata wala siyang namana sa'ken. Ayoko naman kasi isipin ng mga kakilala ko na ako na lang lagi ang bida sa mga nobelang sinusulat ko. haha! Kasi hindi ko naman talaga intensiyon iyon. Nagkakataon lang siguro.
**If my friends would get the chance to read this novel, hindi na nila maia-associate sa'ken si heroine. Louise and I are a different person. I made her character na wala sa character ko. Well, kay Erika, kahit paano ay may nakuha siya sa'ken. Parang nanay lang na may pinagmanahan. LOL. Pero dito kay Louise kahit isa yata wala siyang namana sa'ken. Ayoko naman kasi isipin ng mga kakilala ko na ako na lang lagi ang bida sa mga nobelang sinusulat ko. haha! Kasi hindi ko naman talaga intensiyon iyon. Nagkakataon lang siguro.
Anyway, hope you'd get a copy of this book! :)
--kung may magtatanong kung kailan ako magkakaroon ng kasunod nito, hindi ko pa alam. I haven't finished a manuscript in effin' months. Gahd, I'm actually frustrated with myself. I have no motivation and drive to write. I don't know what the fuck is wrong with me. Huhu. I wanna cry, actually.
--kung may magtatanong kung kailan ako magkakaroon ng kasunod nito, hindi ko pa alam. I haven't finished a manuscript in effin' months. Gahd, I'm actually frustrated with myself. I have no motivation and drive to write. I don't know what the fuck is wrong with me. Huhu. I wanna cry, actually.
yay! congratulations XD
ReplyDeletei like this one, medyo steamy, hehehe. im so proud of you! pinag yabang ko kaya sa office yung book mo na yun. LOL
ReplyDeletethanks tin! :)
ReplyDelete@ jackie, steamy ba? haha! yan sana ang purpose niya. hopefully na-achieve ko. thanksss!