READ MY STORIES ON WATTPAD

Friday, October 28, 2016

Miss International 2016 is Kylie Versoza of the Philippines!

Omggg!

I know you have heard about it already. Yeah, yeah, yeah. Philippines' bet Kylie Verzosa is the new Miss International 2016! She bested out 68 girls and eventually bagged our country's 6th Miss International crown. I knew it from the get-go that she would win it. Or if not the eventual winner, Kylie would be among the top 5. But I've always believed in her (haven't followed her journey tho in Binibining Pilipinas) and looking at her, she totally screams Miss International. Yep, hands down.

`So happy that I got to witness the crowning of a Miss International from my country, the Philippines in my lifetime and for the third time.

Your kababayans are so proud of you, Queen Kylie! Congratulations! Hurrah!

Miss International crown totally fits Kylie Verzosa's head. ♥
the Philippines' 6th Miss International, Kylie Versoza!
Kylie with her runner-ups, from L-R : 3rd RU Nicaragua - Brianny Chamorro;
1st RU Australia - Alexandra Britton; Miss International 2016 - Kylie Verzosa;
2nd RU Indonesia - Felicia Hwang and 4th RU USA - Kaityrana Leinbach.
credits : all photos courtesy of watermark and missosology forum


Again, congratulations to all the winners, especially to Ms. Kylie Verzosa! ♥


Thursday, October 27, 2016

Love Times Two (approved)


Hey there~

I'm so freakinggggggggg happppppppy! Finally, after 1 minor revision, and after 2 months, approved na ang story ni Radley and Olivia! Yass!

Alam n'yo bang March 2016 ko pa natapos sulatin ang istoryang `yan at April 2016 ko ipinasa? Four months after lang saka nagkaroon ng result. I revised it and submitted it back to my editor after a few days and sa paghihintay ko nang matagal, eh, wala pa ring result. Nung mag-follow-up ako 2 weeks ago, aba! ang sabi, hindi raw naibigay sa kanya ang revised manuscript ko. Talagang mapapa-WTF ka na lang.

Anyway, sinend ko ulit at after a few days ay may result na. Mabuti naman `no. Ewan ko lang sa PHR kung bakit sobrang tagal nilang magbigay ng feedback sa mga manuscripts lately. As in `yung mapapaisip ka. Kasi hindi naman dating ganyan.

I'm thinking na dapat may sistema sila when it comes to receiving and giving the manuscripts for evaluation to the editorial staff. Kasi sa totoo lang, nakakapraning maghintay. At nakakaawa din iyong ibang writers na ito ang kanilang bread and butter. Mabuti na lang meron akong regular job at hindi lang itong pagsusulat ang pinagkakakitaan ko. Kung hindi, nganga talaga ako.

Alam mo`yun? Kung puwede lang talaga mag-suggest sa publisher namin, eh. Kaya lang I don't have the "K" and the power to make reklamo and make suggestion. So, yeah. Ganyan talaga.

The best thing about this, is, I finally got an approved manuscript! 2014 pa kaya mula nang huli akong makapagpa-approve ng manuscript since hindi naman ako madalas magpasa ng manuscript. And by the way, same date din, October 25, nung ma-approved ang story ni Rad and Via~ just like Curtis and Katrina's.

Now, the question is, kailan kaya ito mare-release? I'm not really sure. Maybe I have to wait for more than a year? Kasi napapansin ko lately, matagal na rin silang mag-published/released ng novel. I have a friend na, almost 2 years na `yung novel niya since ma-approved and yet hindi pa ito nare-release until now. Hmm, what seems to be the problem, `no? Curious din ako.

Sana, you'd buy a copy of my book "LOVE TIMES TWO" when it's out in the market. :)


Wednesday, October 12, 2016

#WaitingForJaejoong

(c) mushroomee
78 Days
9 hours
21 minutes
33 seconds 

until Jaejoong's discharge from the army! Yay! Can't believe it's been almost 2 years since you enlisted in the military. I've missed you so damn much. And I can't wait to see you again (naks! Para naman akong gf na naghihintay sa bf na pumasok sa army!)! LOL. Anyway, I just have to wait for 2 months and 19 days and then we're going to see you again being active on the entertainment industry! I really hope to see you by then *crossing fingers*.





Tuesday, October 11, 2016

4th year death anniversary ni Father dear



It's been 4 years since the death of my father dear. Noon pa, tinanggap ko nang mawawala siya. Kaya nga hindi na ako naiyak no'ng mawala siya. Hindi kasi biglaan. But it doesn't make me a bad daughter, right? Anyway, nakaka-miss din naman talaga `yung tatay ko. Masarap magluto iyon, eh. Daig pa si mudra. Tuwing weekends, mas masarap ang ulam namin sa bahay. Nakaka-miss `yung mga araw na iyon. Saka, super strict ni father dear, kahit graduate na kami sa college no'n, pahirapan pa rin magpaalam kapag may lakwatsa. Bawal mag-jowa hangga't di nakakatapos ng pag-aaral. Dahil masunurin akong anak di pa rin ako nagjojowa hanggang ngayon. LOL.

Naaalala ko pa no'ng Highschool ako, pinagagalitan kami niyan kapag wala kaming ginawa ng ate ko kundi magbasa ng pocketbooks. Ang linya niya, "romansa ka nang romansa!" LOL. Tapos nagagalit pa `yan sa akin noon nung trying hard akong magsulat ng nobela na typewriter pa ang ginagamit ko. Puyat daw ako nang puyat. "Perspiring" writer pa ang tawag sa akin. Instead daw magsulat, maghanap raw ako ng trabaho. Pero `wag ka, super proud naman sa akin no'ng makapag-publish ako ng nobela no'ng 2011. Pinagmalaki pa sa mga kamag-anak namin. Ang first pen name ko, ginamit ko ang middlename niya. Feeling ko, naging happy rin naman siya na na-achieve ko yung pangarap kong makapag-publish ng nobela.

And hey, I can still remember the time when he would watch movies with me. Pati mga type kong Korean or Japanese movies pinatos niya. Haha. Minsan pinagagalitan niya ako kasi madaling araw na, nanonood pa ako ng drama ni Nino Kazunari. Pero `wag ka, nakikinood din siya. He knew the Arashi members and he knew about my deep love for MatsuJun. He didn't like my fangirling ways, pero minsan trip niya akong asarin na supportive siya sa kahibangan ko. 

Haaay, those were the days. 

Madalas man kaming mag-alingan ni father dear no'n, still, nakaka-miss yung mga moments na `yun. Pero kung meron talaga akong nami-miss sa kanya, iyong mga luto niya talaga, eh. But I know, he's happy wherever he might be right now. I believe sa heaven iyon, kasi tinanggap niya si Jesus Christ as his saviour before his last breath. 





Music: Side to Side by Ariana Grande feat. Nicki Minaj


Side to Side by Ariana Grande feat. Nicki Minaj

The first time I heard this song from Spotify, I liked it instantly. Catchy kasi yung tune / melody and to be honest I'm some sort of an Ariana Grande fan. I looooove her music. Talented naman si Ate Ariana kahit pa-sexy na hindi naman bagay sa kanyang tiny body. LOL. Anyway, I love her Dangerous Woman album and this song Side to Side is her new single from that album. Pansin ko, ha, lakas talaga maka- Dangerous Woman ni Ate Ariana sa bagong album niya na 'to. Puro sexual ang lyrics ng songs, eh.

By the way, na-LSS na ako sa kantang 'to. Been playing it over and over again on my Spotify playlist. Pinagaaralan ko kasing kantahin. And actually, ginawa ko na rin 'tong OST (naks! maka-OST naman ako), sa sinusulat kong erotica-romance novel. Bagay na bagay kasi ang lyrics do'n sa plot ng nobela ko. So if you're curious kung ano ang lyrics nitong Side to Side check it out below;


"Side To Side"
(feat. Nicki Minaj)

Friday, October 07, 2016

Rant: Nakaka-leche Lang!


Bakit kaya may mga taong user friendly, `no? Kapag may pakinabang pa sa'yo, ang bait-bait niya. Pero kapag hindi ka niya kailangan, wala na. Para ka ng stranger sa kanya.

Hindi naman ako mayaman. Sapat lang ang kinikita ko. Ni hindi ko nga masasabing makakabuhay ako ng pamilya, pero ito namang dating kaibigan ko... okay, I would consider her now a former friend. Anyway, going back sa kuwento, iyon nga, so hindi nga malaki ang sahod ko, pero itong dating office mate/ friend ay bigla na lang naglahong parang bula after niyang mag-resign dito sa office. Iyong utang niya sa akin, di pa niya binabayaran. Three years na `yon! Imagine?! Da fuq di ba? As if hindi ko kailangan ng pera. Tapos iyong inutang pa niya dito sa office na ginamit ang name ko, di man lang mahulugan sa akin. Ako tuloy ang nagdurusa sa pagbabayad. As if ako naman ang nakinabang sa pera na iyon. Kaya nakakangitngit talaga. Pero kahit kasi magalit ako, wala naman akong magawa. Kahit awayin ko, deadma si ateng. As if wala siyang atraso sa akin. Jusko. Gusto ko na ngang mura-murahin, kaso ako lang naman ang magkakasala sa Panginoon. As much as possible, ayoko talagang nagagalit sa kapwa ko. Ayokong magtanim din ng galit sa kapwa. I appreciate din naman lahat ng kabutihan niya sa akin, but I feel so abused and used. Da fuq talaga. The problem is, masyado akong naging mabait, eh. Haaay.

Mukha ba akong di namomroblema sa pera o sa buhay?! Kakaloka. Por que, single ako, hindi na ba ako nangangailangan? Kaasar, eh. Tapos ngayon, hindi man lang nagpaparamdam. Nakaka-leche lang. Sa lahat ng taong sinayang ko sa lecheng opisinang ito. Oo, isa pang nakaka-leche 'tong opisina namin, wala man lang akong napala. 

Buti na lang, lipsticks make me happy. Haha. Anon'g koneksyon ng lipstick sa rant ko? Wala lang. Mema. Lels. Basta happy ako kapag may nape-purchase akong bagong lippie/s. It's the only thing that can make me happy as of now. Walang ka-date, eh. Walang boyfriend. Eh, di mag-lipstick na lang. Nakakaganda pa ng napaka-plain kong pagmumukha. 


So, iyon lang ang rant ko for now. Pero I still pray pa rin na bayaran ako ng may utang sa akin. Hindi rin biro ang lahat ng pera kong nasa kanya, `no. Binigyan niya pa ako ng sakit ng ulo.




Thursday, October 06, 2016

Korean Drama: W ~ Two Worlds



  • Profile
  • Drama: W
  • Revised romanization: W
  • Hangul: 더블유
  • Director: Jung Dae-Yoon
  • Writer: Song Jae-Jung
  • Network: MBC
  • Episodes: 16
  • Release Date: July 20 - September 14, 2016
  • Runtime: Wednesdays & Thursdays 22:00
  • Language: Korean
  • Country: South Korea
Plot

A romance takes place between Kang Chul (Lee Jong-Suk), who is super rich and exist in the webtoon “W,” and Oh Yeon-Joo (Han Hyo-Joo) who is a surgeon in the real world.

My thoughts...


Almost two months ko nang pinapanood ang "W" and until now, na-stuck ako sa episode 11... yata. I have to say that the drama was pretty interesting at first. Pero pagdating sa episode 10 parang it's like the typical Korean drama wherein magkaka-amnesia yung hero or heroine. Ganern. Anyway, kaya ko lang din pinanood iyon kasi it's recommended ng friend ko na mahilig din sa Asian dramas. Alam niya kasing favorite Korean actress ko si Han Hyo Joo. Yep, I'm watching "W" because of my beloved HHJ. Kung hindi siya ang bida, I doubt na panoorin ko `yun. Lels. Sayang promising pa naman ang story pero naging dragging siya at di na maganda yung pagka-deliver ng story towards the ending.

And it's just probably me, walang dating kasi sa akin si Kang Chul. LOL! I didn't even know the real name of the lead actor. Weird ba? Ewan ko ba. Wala talaga akong matipuhan na Korean leading men of this generation. Ang mga bet ko kasi, eh, yung leading men nung college days ko pa, so mga 2004-2007 era~ Jo In Sung, Lee Dong Wook, Hyun Bin. Pero si Jo In Sung talaga ang oppa ko sa mga Korean Actors.

Pero loyal kasi ako kay Kim Jaejoong pagdating sa mga Koryan, kaya hindi kinikilig ang mga lamang-loob ko sa iba. Heh.






Wednesday, October 05, 2016

Sushikimchigurl No More

Hi, guys! It's been a while I know. I wouldn't say I'm busy with real life. Well, sort of. And add to that, the fact that I'm the Queen of Lazy-dom! Heh. Anyway, since it's been more than a month since I last had an entry on my blog, I decided to post something here. I actually have a lot of things to say, I just couldn't find the time to write them on here.

Ang point ko lang naman dito, eh, I've decided (for the nth time!) to change the domain name of my blogspot after, hmm, I think, four years? So from "sushikimchigurl" na hindi ko alam kung may ideya kayo kung bakit iyon ang napili kong domain name nito noon, I've decided to have my blogspot be named "yaneychinitasrandommusings". Whatcha think? May mga naisip akong iba kaya lang someone owned the names na. So iyan na lang ang napili ko since "YaneyChinita" naman ang username ko sa Wattpad. I think, bagay naman since "Yaney" ang nickname ko at "chinita" naman ang mga mata ko. LOL! May masabi lang.

So there it is, from now on, this site will be called yaneychinitasrandommusings. Pagkahaba-haba, eh no? I think it's cute naman. Haha. Siyempre for me, cute `yan. Anyway, till next entry. Mag-iisip pa ako ng ibang iba-blog ko.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...